₱13.6-Milyon na halaga ng shabu nasamsam sa mag-asawang dayo sa Naga City

NAGA CITY – Aabot sa ₱13.6 Million Pesos na halaga ng illegal na droga ang nasabat ng mga otoridad sa dayong mag-asawa sa lungsod ng Naga.

Sa ulat ng Naga City Police Office kinilala ang mga suspek na sila Ernan at Nelyn Tobias, pawang residente ng Patimbao, Santa Cruz Laguna.

9:11 kagabi ng ma-ikasa ang High Impact Operation sa  sa Diversion Road ng Barangay Tabuco kung saan ito ang napag-usapan na lugar ng transaksyon.

Nakapag order ang isa sa mga operatiba ng 500 grams ng illegal na droga sa mga suspek sa halagang ₱1.1M at ng magka abutan na ng items, kaagad na pinalibutan ng mga otoridad ang mag-asawa na todo tanggi na kanila ang nabiling shabu.

Nakakuha pa ang mga pulis ng isang eco bag laman ang dalawang self-sealed transparent plastic sachet laman ang naturang droga at tinatayang nasa 1,500 grams ang timbang nito at maliban pa riyan isang 9mm pistol na may apat na bala. Wala silang naipakitang dokumento ng baril.

Sa pangkalahatan, aabot ng 2,000 grams ang timbang ng nabawing illegal na droga sa dayong mag-asawa sa lungsod ng Naga.

Ayon kay NCPO Spokesperson PSMS Toby Bongon base sa intelligence hindi lamang sa Bicol nagkakaroon ng transaksyong ang nasabing mga suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *