₱24.2 milyon na halaga ng hybrid rice at fertilizers ipinamahagi sa mga magsasaka sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- 3, 272 na mga magsasaka sa Camarines Sur ang nakatanggap ng hybrid palay seeds at fertilizers.

Nitong nagdaang mga araw, ipinamahagi ng Provincial Government ng Camarnines Sur ang ₱24.2 milyon na halaga ng asistensya.  Ang mga magsasaka na ito ay mga residente ng  Ocampo, Magarao, Bombon, Calabanga at Pili.  Ang programa ay parte pa rin ng Bagong Sebisyo Fair ng pamahalaan.  Una nang sinabi ng organizers na bukod sa nagparehistro marami pa ang nangangailangan.

Sinabi naman sa Brigada News FM Naga ni Curry Pili Punong Barangay Larry Olayres, ang agriculture office ang nag berepika ng mga benepisyaryo, malaking bagay ito para sa mga magsasaka lalo na nganing mataas ang presyo ng farm inputs. Hiling din na tumaas ang buying price ng palan hindi lamang sa National Food Authority (NFA).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *