₱25.00 na bawat kilo ng bigas ng NFA hindi pa rin pupwede sa merkado; regular na KADIWA maaaring gawin ayon sa NFA Bicol

NAGA CITY- Hindi bumibitaw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr, sa pangako at pangarap niyang ₱20.00 na bawat kilo ng bigas dahil naniniwala siyang mangyayari ito kung patuloy na ginagawan ng paraan , “malapit na” aniya pero nagiging hamon ang lagay ng panahon sa produksyon.

Sa pagbubukas ng KADIWA ng Pangulo sa Camarines Sur na kauna-unahan sa Bicol Region kasama ang National Food Authority (NFA) sa mga may dalang produkto, mabibili ang bigas ng ₱25.00 bawat kilo, ang tanong ng marami mabibili din kaya ito sa merkado kung hindi sa KADIWA stores?

Inihayag sa Brigada News FM Naga ni  NFA RM Osmundo “Jun” Guinto Jr, hindi na nakakapagbenta sa merkado o sa mga retailers dahil sa RA 11203 o Rice Tariffication Law pero laging may buffer stock para sa kalamidad.

Ayon kay Guinto mas maganda kung maging regular ang KADIWA , bagay na nais din ng Pangulo at nais na paramihin pa sa bansa.

Sa ilang parte ng Camarines Sur ₱30.00 pataas hanggang sa ₱40.00 pataas ang bentahan depende sa klase, sa Naga City People’s Mall naman at sa mga kalapit tindahan ₱33 hanggang ₱48.00 ang bawat kilo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *