₱261M halaga ng smuggled sugar, nasamsam sa Port of Batangas

Nasabat ng Bureau of Customs-Port of Batangas ang 4 metriko tonelada ng ipinuslit na asukal na lulan ng isang barko mula Thailand noong Enero 14, 2023.

Ayon sa BOC-Batangas Port, umaabot sa mahigit 261 milyong piso ang halaga ng Thailand White Refined Sugar na isinilid sa 80,000 na sako at nakakarga sa MV Sunward.

Dumating sa Batangas Port ang mga asukal na walang Notice of Arrival.

Ayon sa Sugar Regulatory Administration, walang import permit ang naturang cargo.

Agad na inilibas ni District Collector Ma. Rhea M. Gregorio ang Warrant of Seizure and Detention sa naturang cargo dahil sa paglabag sa Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 at Food Safety Act of 2013.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *