₱5.2M halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa Amadeo, Cavite

Umaabot sa mahigit 5 milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang narekober ng mga awtoridad sa ikinasang buy bust operation sa Brgy. Dagatan, Amadeo, Cavite.

Kinilala ng Amadeo Municipal Police Station ang suspek na si Jojo Zaut na itinuturing na big time drug peddler.

Ayon sa imbestigasyon, aktong nahuli ang suspek na nagtutulak ng iligal na droga matapos na pagbentahan ng pinaniniwalaang shabu ang isang pulis na nagkunwaring buyer.   

Narekober mula sa suspek ang 765 gramo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng ₱5,202,000.00.

Nakuha rin mula sa suspek ang box kung saan niya itinago ang isang malaking sachet ng droga, cellphone, bag at buy bust money.

Nasa kustodiya na ng naturang himpilan ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165.

Leave a Reply

Your email address will not be published.