₱50K halaga ng Marijuana, nasamsam sa drug ops sa Biñan, Laguna

Nasamsam ng mga awtoridad ang umaabot sa ₱50,000 na halaga ng pinaniniwalaang tuyong dahon ng marijuana mula sa dalawang umano’y tulak sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Mamplasan, Biñan City, Laguna.

Kinilala ng Biñan City Police Station ang mga naarestong suspek na sina Myco Austria Garcia, alyas “Mike”, 36 at Ronald Reonal Anonuevo, 39, pawang mga residente ng Calauan, Laguna.

Ayon sa imbestigasyon, ikinasa ng Biñan CPS at Philippine Drug Enforcement Agency – Laguna Police Provincial Office ang buy bust operation noong Huwebes ng gabi, Setyembre 15, 2022, kung saan aktong nahuli ang dalawang suspek na nagbenta ng tuyong dahon ng marijuana sa pulis na nagkunwaring buyer.

Narekober mula sa mga suspek ang dalawang half bricks ng tuyong dahon ng marijuana, limang maliliit na plastic sachets na may lamang dried marijuana leaves; P1,000 at P500.00 bill, isang 50 pesos boodle money, motorsiklo ng mga suspek at isang sling bag.

nasa kustodiya na ng naturang himpilan ang mga suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published.