Construction worker sa Cauayan City, patay matapos saksakin ng kainuman

Patay ang isang construction worker matapos saksakin ng kainuman sa construction site sa isang pribadong ospital sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City.

Sa nakuhang na impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa PNP Cauayan, kinilala ang nasawi na si Juanito Laput, may asawa, at residente ng Marikina City habang kinilala naman ang suspek na si Victor Luendas, 47 anyos, may asawa, at residente naman ng Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Batay sa imbestigasyon ng kapulisan, kapwa construction worker ang dalawa sa nasabing lugar.

Kasamang uminom ni Laput at Luendas ang kanilang mga katrabaho na umalis din matapos makainom ng ilang bote ng alak.

Ilang minuto lamang ang nakalipas ay nakarinig sila ng sigaw na agad naman nilang tinungo at tumambad sa kanilang harapan ang nakahandusay na duguang katawan ni Laput habang tumakbo naman si Luendas patungo sa kaniyang tulugan.

Sa pagkakataong iyon ay humingi ng tulong ang mga ito sa PNP Cauayan upang maaresto ang suspek.Agad na idinala ang biktima sa pribadong pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.

Samantala, boluntaryo namang sumuko ang suspek sa mga rumespondeng kawani ng Cauayan City Police Station.

PHOTOS| PNP Cauayan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *