𝗔𝗕𝗔𝗡𝗗𝗢𝗡𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗣𝗔𝗡𝗗𝗜𝗚𝗠𝗔, 𝗡𝗔𝗗𝗜𝗦𝗞𝗨𝗕𝗥𝗘 𝗦𝗔 𝗠𝗧. 𝗣𝗥𝗢𝗩𝗜𝗡𝗖𝗘

Nadiskubre ng mga awtoridad ang inabandonang Communist Terrorist Group o CTG encampment at mga gamit-pandigma sa Mount Ampucao, Brgy. Balugan, Sagada, Mountain Province.

Ito ay matapos ang isinagawang reconnaisaance at combat patrol operation ng magkatuwang na pwersa ng Moutain Province PMFS, Sagada Municipal Police Station at iba pa.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa 5th ID Star Division, pag-aari umano ng mga dating miyembro ng ngayo’y mahina nang Guerilla Front AMPIS ang mga nakuhang war materials.

Kasama rin sa mga natagpuan ay ang mga bandila, mga educational paraphernalia at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *