Nakilala na ang isang bangkay ng lalaki na natagpuang palutang-lutang sa ilog na sakop ng Amulung, Cagayan.
Kinilala ang nasawi na si Leomar Fenix, 35-anyos, may asawa, at residente ng Brgy. Sta Isabel Sur, City of Ilagan, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, nagtungo umano ang biktima kasama ang kaniyang kapatid at pamangkin sa Bintacan River upang manguha sana ng Igat.
Dahil sa malakas na pag-ulan at hanging dala ng Bagyong Goring sa araw na iyon, naanod ito ng malakas na agos ng tubig hanggang sa hindi na muling nakaahon pa.
Una nang dumulog ang kaanak ng biktima sa Ilagan Police Station na nawawala ito.
Ayon naman kay Elizabeth Fenix ang asawa ng biktima, hindi naman aniya nakainom ang kaniyang asawa ng silaβy nagtungo sa ilog.
Nakumpirma ang pagkakakilanlan ng biktima dahil na rin sa suot nitong sweatshirt na kulay berde mula sa TUPAD.