𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗧𝗥𝗘𝗔𝗦𝗨𝗥𝗘𝗥 𝗡𝗚 𝗚𝗢𝗠𝗘𝗭, 𝗦𝗔𝗡 𝗜𝗦𝗜𝗗𝗥𝗢, 𝗗𝗘𝗔𝗗-𝗢𝗡-𝗔𝗥𝗥𝗜𝗩𝗔𝗟 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗛𝗨𝗟𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗣𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗡𝗘𝗛𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥

Dead-on-Arrival ang Barangay Treasurer ng Gomez, San Isidro matapos mahulog sa sapa ang minamanehong motorsiklo sa Quita Bayag Bridge na sakop ng barangay Patanad, San Isidro, Isabela .

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, kinilala ang nasawi na si Kenny Dela Cruz, 29-anyos.

Lumalabas sa imbestigasyon ng San Isidro Police Station na nasa impluwensiya  ng nakalalasing na inumin ang biktima na galing sa Barangay Villa Flor.

Kaugnay dito, papuntang Poblacion ang biktima subalit bago ito makarating sa tulay ay nawalan ito ng kontrol sa preno ng motor at tuluyang nahulog.

Nagtamo ng malubhang sugat sa katawan at head injury si Dela Cruz na nagsanhi ng kaniyang kamatayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *