๐—•๐—˜๐—”๐—จ๐—ง๐—ฌ ๐—ค๐—จ๐—˜๐—˜๐—ก ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—œ๐—”, ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—•๐—˜๐—Ÿ๐—”, ๐Ÿญ๐—ฆ๐—ง ๐—ฅ๐—จ๐—ก๐—ก๐—˜๐—ฅ ๐—จ๐—ฃ ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—œ๐—ฆ๐—ฆ ๐—ง๐—ข๐—จ๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—  ๐—ค๐—จ๐—˜๐—˜๐—ก ๐—ช๐—ข๐—ฅ๐—Ÿ๐——๐—ช๐—œ๐——๐—˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฏ

Itinanghal si Ms. Philippines Rachel Bayan na tubong Alicia, Isabela bilang First Runner Up sa katatapos na Miss Tourism Queen Worldwide 2023 na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Dala rin ng beauty queen sa kaniyang paglipad sa Thailand ang โ€œDyesebel ng Perlas ng Silanganโ€ costume na gawa ni Michael Barassi na hinirang din na Best in National Costume.

Sa Question and Answer, sinabi naman ni Bayan na ang pamantayan ng kagandahan ay hindi lamang nasusukat sa panlabas na kaanyuhan.

Naniniwala aniya siya na nagmumula ito sa puso, sa kaluluwa, at sa isip. Ito rin ay makikita sa kung paano ka magbibigay ng marka sa ibang tao, at โ€˜yan ang pinakamagandang bagay na pwede nating makita.

Suot naman ni Bayan ang evening gown na gawa ni Vinze Asuncion sa Coronation Night na inilarawan ng Team One Alicia na ito ang siyang kumakatawan sa bawat indibidwal lalo na ang mga Alicianos na mayroong ginintuang puso na katulad ng isang balitok o ginto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *