Umabot na sa tatlumpuβt siyam na katao ang naitalang apektado ng magnitude 6.3 na lindol sa Calayan, Cagayan.
Batay sa datos ng Calayan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, nasa sampung pamilya na binubuo ng 39 na indibidwal mula sa Barangay Dadao, Cabudadan at Centro dos.
Bukod dito, dalawang bahay ang nakitaan ng crack sa Cabudadan habang mayroon namang bitak sa ilang paaralan na kinabibilangan ng Calayan High School, Calayan West Central Elementary School, at Magsidel National High School.
Inilipat naman sa isang pagamutan sa mainland Cagayan ang 13-anyos na dalagitang nadaganan ng gumuhong konkretong dingding sa kanilang bahay.
Napag-alaman na hindi pa bumabalik ang ilang vital signs ng nasabing biktima habang ang ibang miyembro naman ng kaniyang pamilya ay nasa maayos nang kalagayan.
Sa ngayon ay ibinalik na ang pasok ng mga mag-aaral sa lahat ng antas maliban sa Calayan West Central Elementary School at Calayan High School-Main.