𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗚-𝗘𝗡𝗥𝗢𝗟 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔, 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔 𝗣𝗔 𝗞𝗨𝗠𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗧𝗔𝗥𝗚𝗘𝗧 𝗘𝗡𝗥𝗢𝗟𝗟𝗘𝗘𝗦

Umabot na sa 145,916 ang enrollment quick count status sa Lalawigan ng Isabela kung saan 32% ito sa target enrollees na 304,000.

Sa inilabas na datos ng SDO Isabela sa Pakkaravulu: Ugnayan at Usapang Pang-edukasyon na ginanap kanina sa Marco Hotel and Banquet Hall, Cauayan City, hindi nalalayo ang bilang ng mga enrollees na babae na mayroong 72,165 sa bilang ng mga lalaki na 73,751.

Pinakamaraming enrollees ang naitala sa Kinder hanggang Grade 6 na mayroong 70,422. Sinundan ng 50,804 ng Junior High School at 24,690 ng Senior High School.

Muli namang hinimok ni SDO Isabela Planning Officer Timoteo Bahiwal ang mga magulang na i-enroll na ang kanilang mga anak hanggang sa susunod na sabado, August 26.

Dagdag nito, kahit ang report card lang ng mga bata ang ibigay sa araw ng enrollment. Hindi ang mga dokumento aniya ang magiging dahilan para hindi makapag-aral ang mga ito.

Batay naman sa DO 3, series of 2018, ang deadline ng pagsususmite ng mga documentary requirements ng mga bata ay hanggang sa ika-31 ng Oktubre.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *