Wala pa sa kalahati sa kabuuang bilang ng mga rice retailers sa Lambak ng Cagayan ang nakasunod sa ipinatupad na price ceiling ng gobyerno.
Base sa pagbisita ng Bantay Presyo Task Force sa mga pamilihan nasa kabuuang 29 na retailers ang naitala sa rehiyon subalit pito lang sa mga ito ang may kakayahang ibaba ang presyo ng bigas.
Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team kay Regional Technical Director Roberto Busania ng Department of Agriculture (DA) region 2, nasa 8 retailers ang kanilang binisita sa Nueva Vizcaya, lima sa Tuguegarao City, anim sa Santiago City, at parehong lima sa Lungsod ng Ilagan at Maddela, Quirino.
Batay sa report, nasa sampung rice retailers ang na nagbebenta ng regular milled rice ang hindi nakasunod habang labing anim ang hindi nasunod ang price cap sa well milled rice.
Inilahad naman ng DTI na ang sinumang lalabag sa itinalagang price ceiling ay maaaring maharap sa mga penalties sa ilalim ng Price Act.