Isang babae kamakailan na nagngangalang Ashley Summers ang namatay matapos na uminom ng napakaraming tubig nang maramdaman nito na dehydrated umano siya pagkatapos ng kanilang family getaway.
Ayon sa kuwento ng kapatid nito na si Devon Miller sa isang show sa America, uminom umano ito ng aabot sa 4 na bote ng 16-ounce ng tubig sa loob lamang ng 20 minuto.
Pagkatapos nito, sumakit umano ang ulo nito at nahilo hanggang sa humandusay na lamang ito sa garahe ng kanilang bahay.
Sinabi naman ng mga doktor kay Miller at sa lahat nang pamilya na nagsuffer umano si Summer sa water intoxication na nangyari pagkatapos na tunggain ang napakaraming tubig sa loob lamang ng ilang minuto.
Samantala, nagbigay din babala ang medical technologist na si Dr. Stephanie Widemer upang maiwasan ang water intoxication kung saan, sinabi niya na kailangan umano siguraduhin na akma ang oras ng pag-inom ng tubig at nasa tamang dami lamang at binigyang linaw din nito na 2 litro umano ang kailangan ng isang tao sa isang araw.|WENCY LISAY