Ipinunto ni Barangay Captain Reymart Malillin ng Maligaya na malaki ang naitutulong ng kanilang mga CCTV footages sa pagbabantay ng seguridad sa kanilang nasasakupan.
Sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Brgy. Capt. Malillin, 24 hours ang duty ng mga opisyales sa barangay maging ng mga tanod kung saan dalawang beses silang nagro-roving.
Aniya, sa ganitong pamamaraan ay napapanatili ang kaayusan at natitiyak ang seguridad ng barangay lalo paβt mayroon itong pagkalayo sa bayan.
Bukod dito, sa oras na mayroon aniyang nangyayaring hindi kanais-nais sa kanilang barangay ay malaking tulong ang mga naka-install na CCTV sa pagtulong sa mga isinasagawang imbestigasyon.