π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ 𝗔π—₯π—˜π—”π—¦ 𝗦𝗔 𝗑𝗒π—₯𝗧𝗛π—ͺπ—˜π—¦π—§π—˜π—₯𝗑 π—–π—”π—šπ—”π—¬π—”π—‘, π—•π—œπ—‘π—”π—•π—”π—‘π—§π—”π—¬π—”π—‘ π—‘π—š 𝗣𝗗π—₯π—₯𝗠𝗖

Nakatuon ngayon ang pagtugon ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council o PDRRMC sa Northwestern Cagayan dahil sa nararanasang pagbaha at mabagsik na hangin sa mga barangay sa coastal areas.

Nasa 12, 800 indibidwal o katumbas ng halos apat na libong pamilya ang nailikas na sa mga evacuation center.

Ito ang inilahad ni Gov. Manuel Mamba na naniniwala rin na posibleng dahil sa storm surge ang naranasang pagbaha sa mga barangay sa coastal areas ng Northwestern Cagayan habang papalapit ang bagyo.

Pinasalamatan din ng Gobernador ang mga alkalde ng Cagayan na personal na minamanduhan ang disaster response and management sa kanilang mga area of responsibility.

Samantala, nagkaroon din ng post disaster meeting na pinangunahan ng punong ehekutibo upang tignan kung ano pa ang pwedeng maging epektibong hakbang na kanilang gagawin tuwing may mga ganitong sakuna.

Sa ngayon ay zero casualty pa rin ang probinsiya at nananalangin na hindi na ito magbabago hanggang sa makalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Egay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *