𝗗𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗗𝗥𝗨𝗚 𝗦𝗨𝗥𝗥𝗘𝗡𝗗𝗘𝗥𝗘𝗘 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡𝗚𝗞𝗢𝗧 𝗠𝗨𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗

Arestado ang isang 41-anyos na lalaki matapos itong maaktuhang nagtutulak ng ipinagbabawal na droga sa Maddela, Quirino.

Ito ay matapos ang isinagawang anti-illegal drug buy bust operation ng kapulisan kung saan naaktuhang nagbebenta ng iligal na droga si alyas Miguel na dati nang drug surrenderee.

Nakumpiska mula sa naaresto ang isang libong piso na buy bust money, P1,360 na halaga ng hinihinalang shabu, dalawang rolyo ng aluminum foil, at iba pang mga personal na gamit.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Maddela Police Station ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *