𝗗𝗘𝗟𝗘𝗚𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗔 𝟭𝟱𝗧𝗛 𝗦𝗜𝗖𝗖 𝗦𝗪𝗜𝗠𝗠𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗛𝗔𝗠𝗣𝗜𝗢𝗡𝗦𝗛𝗜𝗣 𝗦𝗔 𝗦𝗜𝗡𝗚𝗔𝗣𝗢𝗥𝗘, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗡𝗔

Handa nang itaas ng Bamboo Pirates Swim Club ng Cauayan City ang bandera ng Pilipinas sa 15th Singapore Island Country Club Swimming Championship na gaganapin sa Singapore sa August 23-28, 2023.

Sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan City kay Roderick Gamar, Technical Official ng grupo, puspusan na ang pagsasanay ng pitong delagado mula sa lungsod na may edad 10 hanggang 14.

Pinapangunahan ng grupo ang National Rank 1 para sa Batang Pinoy 50 meters Freestyle na si Mark Justine Africano,  magkapatid na sina Marc Hector Africano at Daniel Victor Africano, Louise Gracie Guimbarda, Mauxksin Aguada, Naya Simone Bernardo at ang pinakabata na si Caitlin Allana Panebe.

Ayon kay Gamar, hindi  naging hadlang ang katatapos na Bagyong Egay para sa kanilang araw-araw na page-ensayo sa Cauayan City Sports Complex kung saan kinakailangan din nilang ikondisyon hindi lamang ang kanilang katawan pati ang kanilang disiplina sa paglalaro.

Nagpahayag naman ng suporta ang Lokal na Pamahalaan ng Cauayan at Swim League of the Philippines para sa kanilang mga gastusin.

Nakatakdang lumipad ang mga delegado kasama ang kanilang mga Coaches sa August 21.

Samantala, abala naman ang Cauayan City Sports Development Office ngayon dahil sa mga sunod-sunod na kompetisyon sa national at international.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *