Sinalakay ng PDEA katuwang ang Cagayan Provincial Office at Regional Intelligence Unit ang isang flower shop na pinaghihinalaang drug den sa Rizal St. Tuguegarao City, Cagayan.
Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, nahuli sa isinagawang operasyon ang tatlong indibidwal na kinilalang sina Analiza, 42-anyos, Warren, 35-anyos, isang chef at Erwin, 53-anyos at isang kitchen crew.
Aabot sa dalawampuβt dalawang piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng labinlimang gramo ang nakumpiska mula sa mga naaresto kung saan nagkakahalaga ito ng P102, 000.
Bukod dito, nakumpiska rin mula sa direktang pag-iingat ng mga suspek ang buy bust money at ilan pang mga drug paraphernalia.
Nahaharap ang tatlong naaresto sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.