๐—›๐—”๐—ž๐—•๐—”๐—ก๐—š ๐—จ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฃ๐—œ๐—š๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฉ๐—ข๐—ง๐—˜ ๐—•๐—จ๐—ฌ๐—œ๐—ก๐—š, ๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—”๐—š ๐—ก๐—š ๐—–๐—ข๐— ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—–

Inaasahan ngayong linggo na ilalabas na ang resolusyon ng Commission on Election hinggil sa โ€œKontra Bigayโ€ para matugunan ang problema sa vote buying.

Sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Cauayan City Election Officer Atty. Christopher Thiam, darating aniya ang panahon na ang checkpoint ay hindi na lang para sa gun ban kundi pati na rin sa โ€œKontra Bigayโ€.

Kaugnay nito, nilinaw din ni Atty. Thiam ang dapat gastusin ng kandidato sa isang registered voter.

Dapat ay hindi tataas aniya sa limang piso ang dapat ilabas ng mga kandidato.

Nagpahayag din ang City Election Officer ng kaniyang mensahe para sa mga tatakbo ngayong halalan 2023.

Panatilihin aniya ng mga kandidato na maging mahinahon at wag mag-away away para ang resulta ng halalan 2023 ay may kredibilidad at makatotohanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *