𝗛𝗜𝗚𝗛 𝗩𝗔𝗟𝗨𝗘 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗩𝗜𝗗𝗨𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗚𝗞𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔, 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗞𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦𝗔𝗡

Tinangka pang tumakas ng isang high value individual matapos isilbi ng PDEU/PIU Kalinga at iba pang law enforcement agencies ang warrant of arrest laban dito sa Purok 2, Barangay Lacnog East, Tabuk City, Kalinga.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Kalinga Police Provincial Office, mayroong isinampang kasong paglabag sa Section 11, Article 2 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na kinilalang si Bobby Ganggang, 37-anyos.

Batay sa ulat ng pulisya, tinangka umanong takasan ng suspek ang pag-aresto sa kaniya at nakipaghabulan sa pulisya hanggang sa makorner sa maputik na palayan.

Nakumpiska mula sa direktang pag-iingat nito ang siyam na piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 29 grams at nagkakahalaga ng P197,200.

Bukod dito ay nasamsaman rin ang suspek ng isang caliber .45 Elite shooter, 6 na piraso ng bala ng caliber 45, 1 leather holster, cellphone at isang one small spoon drug paraphernalia.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 10591 o Comprehensive Firearms at Ammunition Regulation and RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *