𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨, 𝗡𝗔𝗞𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗧𝗔

Nakumpiska sa isang binate sa Cabagan, Isabela ang mahigit isang milyong halaga ng hinihinalang shabu.

Ito ay matapos na isagawa ng kapulisan ang search warrant sa bahay ng naaresto na si alyas Ferdinand, 24-anyos na isang Street level Individual o SLI.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Police Regional Office 2, nasamsam mula sa direktang pag-iingat ng suspek ang isang plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 150 grams at nagkakahalaga ng 1.2 milyon pesos.

Bukod dito nakumpiska pa ang tatlong sachet na naglalaman ng shabu at iba pang drug paraphernalia.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Cabagan Police Station ang naaresto at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *