π—›π—œπ—šπ—œπ—§ π—£πŸ―πŸ¬πŸ¬-𝗠 𝗑𝗔 π—›π—”π—Ÿπ—”π—šπ—” π—‘π—š π—”π—šπ—₯π—œπ—–π—¨π—Ÿπ—§π—¨π—₯π—”π—Ÿ π—œπ—‘π—£π—¨π—§π—¦, π—œπ—£π—œπ—‘π—”π— π—”π—›π—”π—šπ—œ π—‘π—š 𝗗𝗔

Namahagi ang Department of Agriculture Regional Field Office 2 ng farm inputs sa mga magsasakang benepisaryo ng kanilang programa sa Gattaran, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa DA RFO2, kabilang sa natanggap ng mga magsasaka ay mga hybrid seeds ng mais at palay at pataba na magagamit ng mga ito sa kanilang sakahan.

Aabot sa 265 milyon pesos na halaga ng agricultural inputs ang ipinamahagi sa ilalim ng rice program kung saan ang pondo ay kinuha sa 2023 and Quick Response Fund ng General Appropriations Act (GAA) fund.

Habang nasa 87 milyon na halaga naman ng kaparehong ayuda ang ipinamahagi na pinondohan sa ilalim ng Corn Production Enhancement Project sa pamamagitan ng DA Corn Program.

Nasa sampung munisipalidad sa Cagayan ang nabenipisyuhan at kinabibilangan ito ng Alcala, Aparri, Baggao, Buguey, Camalaniugan, Lallo, Gattaran, Gonzaga, Sta. Teresita at Sta. Ana.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *