π—›π—œπ—šπ—œπ—§ π—£πŸ―πŸ―π—ž 𝗑𝗔 π—›π—”π—Ÿπ—”π—šπ—” π—‘π—š 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨 𝗦𝗔 π—§π—¨π—šπ—¨π—˜π—šπ—”π—₯𝗔𝗒 π—–π—œπ—§π—¬, π—‘π—”π—žπ—¨π— π—£π—œπ—¦π—žπ—” π— π—¨π—Ÿπ—” 𝗦𝗔 π——π—”π—Ÿπ—”π—ͺπ—”π—‘π—š π—¦π—¨π—¦π—£π—˜π—ž

Aabot sa mahigit kumulang na P33, 500 na halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang suspek sa Tuguegarao City, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News FM sa Police Regional Office 2, kinilala ang dalawang naaresto na sina alyas Ramon, 35-anyos at Alyas Linda, 33-anyos na parehong residente ng naturang lugar.

Batay sa imbestigasyon ng kapulisan, nakumpiska mula sa mga ito ang apat na pakete na naglalaman ng humigit kumulang limang gramo na hinihinalang shabu, apat na cellphone, isang maliit na kahon, mga resibo at buy bust money.

Nasa kustodiya na ngayon ng Tuguegarao City Police Station ang dalawang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *