𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟮𝟬𝟬𝗞 𝗡𝗔 𝗦𝗘𝗡𝗜𝗢𝗥 𝗖𝗜𝗧𝗜𝗭𝗘𝗡 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟮, 𝗧𝗔𝗥𝗚𝗘𝗧 𝗠𝗔𝗕𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗡𝗦𝗜𝗢𝗡

Inilabas na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 ang datos kaugnay sa second semester payout ng social pension program.

Batay sa inilabas na datos ng DSWD Region 2, nasa 244, 431 ang kabuuang target na mga benepisyaryo subalit nasa 67,154 lamang ang kabuoang bilang ng mga benepisyaryo na nakatanggap ng kanilang social pension na P3,000.

Umabot naman sa P201,462,000 ang halaga ng Social Pension na naipamahagi na ng DSWD Region 2 sa 31 na local government units sa buong rehiyon.

Layunin ng Social Pension Program na mapangalagaan at maprotektahan ang mahihirap na mga senior citizen kung saan sila ay makakatanggap ng 500 pesos na buwanang pension para makatulong sa kanilang pangangailangang medikal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *