Umabot na sa 24,114 na indibidwal sa probinsya ng Cagayan ang naitalang apektado ng nagdaang bagyong Egay.
Batay sa report ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council sa Cagayan, 7,000 na pamilya ang apektado mula sa dalawampuโt dalawa na munisipalidad sa probinsya.
Ang nasabing mga apektadong residente ay nailikas na at pansamantalang nanunuluyan sa evacuation center.
Samantala, nananatiling walang suplay ng kuryente sa limang munisipalidad sa Cagayan na kinabibilangan ng Barangay Dalin, Baggao; Sta. Teresita, Gonzaga, Sta. Ana at Buguey.
Sa n gayon ay nagpapatuloy ang isinasagawang paglikas sa mga residenteng apektado ng pagbaha habang namamahagi naman ng relief goods ang DSWD Regional Field Office 2.