Inilikas ang nasa 1,422 na pamilya o binubuo ng 4,422 na indibidwal mula sa bayan ng Baggao ang inilikas dahil sa epekto ng bagyong “Egay”.
Ito ang inihayag ni Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Baggao Head Narciso Corpuz.
Aniya, ang nasabing bilang ay mula sa 42 Barangay sa kanilang nasasakupan.
Gawa sa mga light materials ang kanilang mga tirahan kaya’t minabuti ng mga ito na sila ay tulungan gayun na rin upang maiwas sila sa banta ng pagguho ng lupa at pagbaha.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang kanilang monitoring sa lugar dahil nararamdaman pa rin ang lakas ng hangin at ulan na dala ng bagyong “Egay”.