๐—๐—”๐—ฉ๐—˜๐—Ÿ๐—œ๐—ก ๐—ง๐—›๐—ฅ๐—ข๐—ช๐—˜๐—ฅ ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—” ๐—•๐—˜๐—ก๐—œ๐—ง๐—ข ๐—ฆ๐—ข๐—Ÿ๐—œ๐—ฉ๐—˜๐—ก, ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—•๐—˜๐—Ÿ๐—”,๐—š๐—ข๐—Ÿ๐—— ๐— ๐—˜๐——๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ๐—ง ๐—ฆ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฏ ๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฅ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—•๐—”๐—ก๐—ฆ๐—”

Nasungkit ni Baby Jane Santos mula sa Andabuen Elementary School ang gold medal sa larong javelin throw sa 2023 Palarong Pambansa.

Ang bamboo sticks ang tanging ginamit ni Santos sa pag-eensayo ng Javelin throw sa lalawigan ng Isabela kung saan ang kakulangan sa kagamitan ay hindi naging hadlang sa kagustuhang masungkit ang gintong medalya.

Nakapagtala si Santos ng 31.27 meters dahilan upang matalo nito ang pambato ng Zamboanga Peninsula at Bicol Region.

Inihayag ng coach ni Santos na si Ferdinand Laggui Jr. na mula Benito Soliven ay bumabiyahe pa sila patungong Sta. Maria ng dalawang oras upang mag-ensayo.

Dagdag pa nito, si Santos na tubog Benito Soliven, Isabela ay anak ng magsasaka kayaโ€™t nakuha rin aniya ang kaniyang lakas sa pagtulong sa kaniyang magulang na magtanim ng mais at pagbubuhat ng timba na may lamang tubig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *