๐—ž๐—”๐— ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—ฌ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ข๐—ฅ๐—š๐—”๐—ก๐—œ๐—– ๐—”๐—š๐—ฅ๐—œ๐—–๐—จ๐—Ÿ๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—˜, ๐—ฃ๐—”๐—š-๐—œ๐—œ๐—š๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—œ๐—ก โ€“ ๐——๐—” ๐—ฅ๐—™๐—ข๐Ÿฎ

Pinag-aaralan ngayon ng Department of Agriculture ang posibleng paglalagay ng mga stalls para sa mga organic products sa mga mall.

Ito ay upang mas palakasin at ipakilala ang local market ng mga organikong produkto na magmumula sa mga magsasakang pinili ang organic farming.

Sa isinagawang press conference sa 6th Regional Organic Agriculture Congress kahapon, sinabi ng kinatawan ng National Organic Agriculture Program (NOAP) na si Dale Russeth na mayroon na ring ginagawa ang ahensiya para ipakilala ang organic agriculture sa buong bansa.

Aniya, nagkaroon na ng joint memorandum circular sa pagitan ng DA at DILG para sa pinag-igting na implementasyon ng organic agriculture sa bawat probinsiya, at kasama sa responsibilidad ng mga LGU na magkaroon ng designated market area para mga organic products.

Sabi naman ni Dir. Roberto Busania, ang RTD ng Operations at Extension, dapat gamitin na rin ang digitalization upang iโ€“market ang mga produktong ito.

Kaugnay nito, nasa 0.53% pa lamang ang naitatalang datos ng DA para sa mga certified na mga magsasakang sumubok ng organic farming malayo kumpara sa 5% na target mula noong isinagawa ito isang dekada na ang nakalipas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *