π—žπ—”π—£π—¨π—Ÿπ—œπ—¦π—”π—‘ 𝗦𝗔 π—Ÿπ—”π— π—•π—”π—ž π—‘π—š π—–π—”π—šπ—”π—¬π—”π—‘, π—‘π—”π—žπ—”-π—”π—Ÿπ—˜π—₯𝗧𝗒 𝗦𝗔 π—¨π—‘π—”π—‘π—š 𝗔π—₯𝗔π—ͺ π—‘π—š π—šπ—¨π—‘ 𝗕𝗔𝗑

Naka-alerto ang Police Regional Office 2 sa unang araw ng gun ban checkpoint kung saan sabayang inilunsad ito ng Commission on Elections kaugnay na rin sa pagsisimula ng election period.

Pinangunahan ito ni Acting Regional Director Police Brigadier General Christopher Birung, kasama si Atty. Ederlino  Tabilas, Regional Election Director, at iba pang mga opisyal.

Kabilang sa mga checkpoint areas na pinuntahan at inikutan ng grupo ay ang Tuguegarao City, Natanzan, Iguig, Cagayan at Camasi, PeΓ±ablaca, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, pinaalalahanan ng kapulisan ang publiko na mahaharap sa isang taon hanggang anim na taong pagkakakulong ang sinumang mahulian ng baril na walang gun ban exemption o Certificate of Authority mula sa Committee on the Ban on Firearms and Security Concerns o CBFSC.

Umapela rin si PBGen. Birung sa publiko para sa kanilang kooperasyon para maiwasan ang anumang aberya.

Tatagal naman hanggang ika-29 ng Nobyembre ang naturang Gun Ban.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *