𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗔𝗣𝗔𝗥𝗥𝗜 𝟲, 𝗗𝗜𝗡𝗜𝗡𝗜𝗚 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗡𝗔𝗗𝗢; 𝗔𝗟𝗞𝗔𝗗𝗘 𝗡𝗚 𝗔𝗣𝗣𝗔𝗥𝗜, 𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡 𝗢𝗙 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗘𝗦𝗧

Nagsagawa na kahapon, August 15, 2023 ng pagdinig ang Senado hinggil sa pananambang na nagresulta ng pagkasawi ni dating Appari Vice Mayor Rommel Alameda at limang iba pa.

Batay sa pahayag ni PLTCOL Arbel Mercullo, isa si Aparri Mayor Bryan Dale Chan sa mga indibidwal na may kaugnayan sa alkalde ang tinukoy na person of interest sa krimen.

Ipinaliwanag ni PLTCOL Mercullo na dahil sa tinitignang anggulo na may kaugnayan sa politika ang pagkamatay ng Appari 6 ang naging dahilan kaya’t napabilang ang alkalde sa mga person of interest.

Maliban sa alkalde ay kabilang din sa person of interest si Darren Abordo na nagmamay-ari sa ginamit na get-away vehicle sa krimen.

Agad namang inihayag ni Mayor Chan na hindi nito kilala ang dalawa sa mga binanggit na pangalan ng opisyal kung saan dumepensa rin ito na wala siyang natanggap na liham ng anumang reklamo na inihain laban sa kaniya sa Office of the Ombudsman.

Ito ay matapos ihayag sa pagdinig ng asawa ng nasawing Vice Mayor na kabilang ang kaniyang asawa sa mga taong pinagbantaan noon ni Mayor Chan kung maghahain ang mga ito ng kaso laban sa kaniya.

Matatandaan na nasawi sa pananambang noong February 19, 2023 ang grupo ni Vice Mayor Alameda sa Sitio Kinacao, Barangay Beretbet, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *