𝗞𝗔𝗨𝗡𝗔-𝗨𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗠𝗔𝗕𝗔𝗚 𝗦𝗔 𝗚𝗨𝗡 𝗕𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢

Nahaharap sa patung-patong na kaso ang isang lalaki sa Tuao, Cagayan matapos mahuling lumabag sa gun ban ngayong election period at sa pagtutulak ng iligal na droga.

Kinilala ang suspek na si alyas “Rey”, 43-anyos at residente ng Angang, Tuao, Cagayan.

Na-rekober mula sa suspek ang hinihinalang shabu na may timbang na 0.14 grams at nagkakahalaga ng Php910.00, isang sachet na naglalaman ng hinihinalang dahon ng Marijuana na may timbang na 21 grams at nagkakahalaga ng Php2,400.00.

Nakumpiska rin mula rito ang isang pistol na naglalaman ng bala ng 12-gauge na siyang kauna-unahang nahuli sa paglabag ng gun ban.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Tuao Police Station ang suspek at nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 9165, RA 10591 at BP 881 (Omnibus Election Code).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *