Arestado ang isang negosyante na sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga matapos ang isinagawang anti-illegal drug buy bust operation ng Tuguegarao City Police Station katuwang ang PDEA at iba pang law enforcement agencies sa in Balzain East, Tuguegarao City.
Ayon sa Police Regional Office 2, ang naarestong businessman ay 48-anyos at kabilang sa Regional Priority 10 na High Value Individual.
Nakumpiska mula sa naaresto ang anim na sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng pitong gramo na nagkakahalaga ng kabuoang P47, 600.
Tiniyak naman ni PRO2 Regional Director PBGen Christopher Birung na magpapatuloy ang kanilang kampanya sa tuluyang pagsawata ng iligal na droga sa rehiyon.