π—Ÿπ—œπ—•π—¨-π—Ÿπ—œπ—•π—’π—‘π—š π—›π—”π—Ÿπ—”π—šπ—” π—‘π—š π—œπ—Ÿπ—œπ—šπ—”π—Ÿ 𝗑𝗔 𝗗π—₯π—’π—šπ—”, 𝗑𝗔𝗦𝗔𝗠𝗦𝗔𝗠 𝗦𝗔 π—œπ—¦π—”π—‘π—š π—‘π—˜π—šπ—’π—¦π—¬π—”π—‘π—§π—˜ 𝗦𝗔 π—–π—”π—šπ—”π—¬π—”π—‘

Himas-rehas ang isang negosyante sa lalawigan ng Cagayan matapos itong ma-aresto ng mga awtoridad dahil sa iligal na droga sa Brgy. Leonarda, Tuguegarao City, kahapon, October 11.

Aabot sa P98,800 na halaga ng droga ang nasamsam mula sa suspek na kinilalang si alyas β€œOrlan”, 34 anyos, at residente ng PeΓ±ablanca, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News FM, nahuli si Orlan matapos siyang magbenta ng tinatayang 700 grams ng marijuana.

Nakumpiska rin mula rito ang limang pakete ng ng hinihinalang shabu, isang sachet ng higit kumulang sampung gramo ng marijuana, buy bust money, cellphone, at isang motorsiklo.

Nasa kustodiya na ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 2 ang suspek na itinuturing ding High Value Individual at nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *