Arestado ang dalawang indibidwal sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng kapulisan sa Maribbay St. Ugac Norte, Tuguegarao City, Cagayan.
Nahulihan ng 2, 000 gramo ng Marijuana na nagkakahalaga ng P240,000 sina alyas βJoseβ at βRomeβ.
Narekober din ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang mga cellphones, motorsiklo, at ang ginamit na buy-bust money.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Police Community Precinct, Don Domingo, Tuguegarao City Police Station ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 or Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.