π— π—”π—‘π—šπ—œπ—‘π—šπ—œπ—¦π——π—”π—‘π—š 𝗑𝗔π—ͺπ—”π—Ÿπ—” 𝗦𝗔 π—žπ—”π—¦π—”π—šπ—¦π—”π—šπ—”π—‘ π—‘π—š π—•π—”π—šπ—¬π—’π—‘π—š π—šπ—’π—₯π—œπ—‘π—š, π—£π—”π—§π—¨π—Ÿπ—’π—¬ 𝗑𝗔 π—›π—œπ—‘π—”π—›π—”π—‘π—”π—£

Nagpapatuloy ang isinasagawang paghahanap ng mga otoridad sa isang mangingisda na nawala matapos pumalaot noong August 23, 2023 habang nanalasa ang bagyong Goring sa Sta. Ana, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Harold Tugade, 29-anyos.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, inihayag ni MDRRMO-Head Marion Miranda na maayos pa ang lagay ng panahon ng pumalaot ang mga mangingisda kasama ang nasabing biktima.

Aniya, dahil sa kawalan ng signal sa pinuntahan ng mga mangingisda ay hindi na naabisuhan pa ang mga ito na mayroong bagyo at pagpapatupad ng gale warning.

Isinalaysay ng mga mangingisdang ligtas na nakauwi na napansin lamang na nawawala na si Tugade nang sila’y makarating sa Sitio Bawwak, Brgy. San Vicente.

Sa ngayon ay mayroon na umanong ulat na natanggap ang MDRRMO hinggil sa mga debris ng nasirang bangka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *