Bumuo ng isang non-government organization ang mga dating rebelde na nagbalik loob sa pamahalaan sa Lambak ng Cagayan.
Ang nasabing grupo ay tinawag na Kindling Action for Peace Progress and Inclusive Advocacy (KAPPIA) Incorporated na naglalayong matulungan ang mga dating kasapi ng NPA na nagbalik-loob sa pamahalaan gayundin na mahikayat pang sumuko ang mga natitirang kasapi ng kilusan.
Sa tulong ng KAPPIA, magkakaroon na ang mga aligned agencies ng oportunidad na maibaba ang mga livelihood assistance, projects at trainings para sa mga dating rebelde.
Target ng organisasyon sa katapusan na maiparehistro sa Security Exchange Commission ang KAPPIA.
Kaugnay nito, umabot naman sa 71 na mga dating rebelde mula sa Cagayan, Quirino, Isabela at Nueva Vizcaya ang dumalo sa isinagawang workshop noong ika-8 ng Setyembre.
Patuloy na hinihikayat ng pamahalaan ang mga nasa loob ng kilusan na magbalik-loob na sa pamahalaan para matamasa ang mga tulong na naipagkaloob sa mga dati nilang kasamahan na sumuko na.