𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗡𝗚𝗢 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗞, 𝗞𝗔𝗗𝗔𝗟𝗔𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡𝗚𝗞𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Pumalo na sa 471 ang kabuuang bilang ng mga  aksidente sa daan sa Lungsod ng Cauayan mula Enero hanggang Agosto kinse ngayong taon.

Sa inilabas na datos ng Cauayan City Command Center, nangunguna sa listahan ang mga nahuhuling drayber na nagmamanehong lasing kung saan umabot ang bilang sa kabuuang 268.

Sinundan ito ng mga nahuling 257 na mga motoristang walang helmet.

Samantala, mayroon namang apat na insidente ng motorcycle accident na nag-resulta ng pagkasawi ng mga biktima.

Muli namang nagpaalala ang command center na huwag magmaneho ng lasing at huwag ding ugaliing makipag-usap o makipag-text habang nagmamaneho.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *