Binigyan ng 5-day-extension period ang isang poultry farm sa Marabulig Uno para ayusin ang mga kulang sa naturang farm katulad ng paglalagay ng net sa palibot nito para maiwasan ang paglabas ng maraming mga langaw.
Sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Brgy kagawad Jaymie Andres ng Brgy Marabulig, noon pa man ay matagal na nilang problema ang pagdagsa ng mga langaw sa mga kabahayan sa kanilang nasasakupan na nagmumula sa poultry farm lalo na kapag harvest season na.
Kasama ng mga Brgy Officials ang Sanidad at ang City Task Force na pinangungunahan ni POSD Chief Pilarito Mallillin ang inspection kahapon July 27, 2023.
Ayon kay kagawad Andress, nakita aniya mismo nila ang kalagayan ng kanilang kabarangayan na pahirap ang pag-atake ng mga langaw dahil hindi na nakakakain ng maayos at hindi narin nakakatulog ng maayos dahil sa dami ng langaw na nasa loob ng kanilang tahanan.
Sakali mang hindi masunod ng poultry farm ang 5-day extension para ayusin ang problema ay makakatanggap na sila ng order of closure.
Sagot ng farm manager sa isyu, ay palagian naman umano itong nag di-dis-infect sa kanilang poultry farm.
Panawagan ni kagawad Andress sa kaniyang mga kabarangayan na ginagawa nila ang kanilang makakaya upang maayos ang problema sa langaw na dulot ng poultry farm.