Ibinida ng Department of Trade and Industry (DTI) Region 2 ang iba’t ibang mga produkto ng lambak ng Cagayan sa 3-Day Grand Bagsakan sa Eastwood City Central Plaza, Quezon City.
Maaari nang makabili ang mga konsyumer at mga resellers ng mga produkto katulad ng gulay, prutas at iba pang mga dry goods sa murang halaga lamang.
Ang naturang mga produkto ay mismong ginawa at inani ng mga lokal na magsasaka sa rehiyon.
Kaugnay niyan, bukod sa physical store ay maaari ring bumili ang mga interested consumer sa kanilang website na https://mayani.ph/ at tatagal naman ang Grand Bagsakan hanggang bukas, November 22.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng DTI R2, Bureau of Domestic Trade Promotion the Mayani.Ph, at ng Megaworld.