Umabot na sa 235 na barangay sa probinsya ng Cagayan ang apektado matapos manalasa ang bagyong Egay.
Kinumpitma ni Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office Head Rueli Rapsing, na mula sa naturang mga barangay ang inilikas na 5,300 families na binubuo ng 17, 400 na indibidwal.
Sa ngayon ay patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga evacuees sa bawat evacuation center dahil ilang barangay ang binaha.
Tiniyak naman na sapat ang suplay ng relief good na ibinabahagi sa bawat residente.
Puspusan na rin ang pagsasaayos ng NGCP at Cagayan Electric Cooperative sa suplay ng kuryente sa mga lugar na maari nang pasukin ng kanilang technical team.
Samantala, sa Sta. Ana, Cagayan ay umabot na sa tatlumpung bangka ng mga mangingisda ang nasira.