Kusang sumuko sa himpilan ng pulisya ng Isabela Police Provincial Office ang dating Regular NPA, (4) apat na dating miyembro ng Militia ng Bayan at (5) CTG supporters, ika-anim ng Agosto, taong kasalukuyan.
Sina alyas βRendonβ, former Regular NPA, alyas βJoseβ, alyas βThed, alyas βMonaβ, at alyas βDarwinβ, na mga dating kasapi ng Militia ng Bayan, kasama ang (5) limang CTG supporters na sina alyas βCeasarβ, alyas βBonbonβ, alyas βEdgarβ, alyas βJunjunβ, at alyas βPeterβ, ay boluntaryong sumuko sa kapulisan.
Dahilan ng pagsuko ng mga ito ang pinaigting na kampanya laban sa insurhensiya, ang patuloy na pagsusulong ng mga Police Community Relation Activities, at ang matagumpay na pagpupulong ukol sa E0 No. 70 (NTF ELCAC) sa rehiyon.
Hinihikayat naman ni PCOL JULIO R GO, Provincial Director ng Isabela PPO, na sumuko na sa kanilang himpilan ang mga natitira pang miyembro ng kilusan upang makamit nila ang payapa at magandang pamumuhay.
Ang kampanya kontra-insurhensiya ng Valley Cops ay may layuning matulungan ang mga dating namanipula ng makakaliwang grupo at tuluyang mawakasan ang suliranin sa insurhensiya sa bansa.