Kinumpirma ng Department of Labor and Employment Region 2 na asahan ang muling pagtaas ng minimum wage sa Lambak ng Cagayan.
Ito ang inihayag ni DOLE Regional Director Jesus Elpidio Atal Jr. sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.
Aniya, tapos na ang deliberasyon ng kagawaran katuwang ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board Region 2 hinggil sa pagkakaroon ng taas-sahod ngunit hinihintay pa ang exact amount ng wage hike na a-aprobahan ng National Wages and Productivity Commission.
Sakop ng wage order na ilalabas ng RTWPB ang lahat ng minimum wage earners sa rehiyon dos kung saan mahahati ito sa Agriculture sector at non-agriculture sector maging ang mga kasambahay.
Paliwanag naman ng opisyal, bibigyan ng pagkakataon ang mga bagong business owners na mag-file ng exemption sa pagpapatupad ng bagong minimum wage sa oras na mayroon na ang direktiba dito.