Mahigpit na ipapatupad ng Police Regional Office 2 (PRO2) ang No Money Policy o anumang klase ng panunuhol para sa Patrolman/Patrolwoman Recruitment Process ngayong taon
Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team sa Police Regional Office 2, ang sinumang lalabag sa polisiyang ito ay agad na paiimbestigahan at sasampahan ng kaukulang kaso.
Ito aniya ay magsisilbing babala sa mga aplikanteng nagpa-planong manuhol para makapasok.
Nanawagan din ang naturang ahensiya sa mga aplikante o mga indibidwal na kung sakaling may nakitang mga tauhan ng PNP na humihingi ng anuman para lang makpasok ang mga aplikante ay agad itong i-report sa PNP IMEG LUZON FIELD UNIT – 0919-009-9744 o PRSS HOTLINE – 0969-479-6254.