π—’π—œπ—Ÿ 𝗣π—₯π—œπ—–π—˜ π—›π—œπ—žπ—˜ π—‘π—šπ—”π—¬π—’π—‘π—š 𝗔π—₯𝗔π—ͺ, π——π—”π—šπ——π—”π—š π—£π—”π—¦π—”π—‘π—œπ—‘ 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π—§π—¦π—¨π—£π—˜π—₯ 𝗦𝗔 π—Ÿπ—¨π—‘π—¦π—’π——

Dagdag pasanin sa mga tsuper ang muling pagkakaroon ng big time oil price hike sa produktong petrolyo tulad ng diesel, kerosene, at gasoline ngayong ika-8 ng Agosto, taong kasalukuyan.

Sa panayam ng Brigada News FM Cauayan kay Robert Yango, isang tricycle driver ng mahigit limang taon sa Cauayan City, sinabi niya na dagdag pasanin ito dahil unti-unting lumiliit ang kanilang kita kada nagkakaroon ng pagtaas ng presyo ng gasolina.

Dagdag naman ni Raffy Sales, isa ring tsuper na rumoronda sa lunsod, nakakaapekto ang fuel price hike sa pangkabuhayan niya at ng ibang tao.

Sa kasalukuyan, pumapatak sa P61.50 kada litro ng Diesel.

Ayon kay Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, may P3.40 hanggang P3.60 na taas sa diesel; P2.65 sa kerosene; at P0.35 naman sa gasoline.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *