๐—ฃ๐—”๐—š๐——๐—œ๐—ฅ๐—œ๐—ช๐—”๐—ก๐—š ๐—ก๐—š ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—ง๐—˜๐—”๐—–๐—›๐—˜๐—ฅ๐—ฆโ€™ ๐— ๐—ข๐—ก๐—ง๐—›, ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—š๐—›๐—”๐—›๐—”๐—ก๐——๐—”๐—”๐—ก ๐—ก๐—” ๐—ก๐—š ๐——๐—˜๐—ฃ๐—˜๐—— ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—•๐—˜๐—Ÿ๐—”

Naghahanda na ang pamunuan ng Department of Education โ€“ Isabela para sa pagdiriwang ng 2023 National Teachersโ€™ Month na magtatapos sa October 5, 2023.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, inatasan ng SDO Isabela ang bawat paaralan na kanilang nasasakupan na makiisa sa month-long celebration na ito sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng ibaโ€™t ibang programa at aktibidad para sa lahat ng mga guro.

Ang 2023 National Teachersโ€™ Month ay mayroong temang Together 4 Teachers: Appreciation, Admiration, Approval, at Attention.

Kaugnay nito, nagbigay naman ng pahayag ang isang Education Graduate at License Professional Teacher na si Marc Gerome Gironella hinggil sa kakulangan ng items para sa mga katulad niyang nais maging guro sa DepEd.

Aniya, magbigay dapat ang education department ng mas maraming oportunidad para sa mga graduates na inaasahang mabigyang pansin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *