Mariing ipinag-utos ng Lokal na Pamahalaan ng San Mariano ang pagbabawal sa pagpasok ng mga karne at produktong baboy matapos ang naitalang kaso ng African Swine Fever sa ilang bayan sa probinsya.
Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, bawat daanan papasok sa naturang bayan ay mayroong nakapwesto na checkpoint upang masiguro na walang makakalusot dito.
Bagaman walang naitatalang kaso ng ASF sa naturang lugar ay patuloy pa rin na pina-iigting ng lokal na pamahalaan ang kanilang preventive measures upang maiwasan na makapasok ang sakit sa kanilang bayan.
Kaugnay nito, nauna na ring nagbaba ng kahalintulad na utos ang Lungsod ng Ilagan noong September 25, 2023.