Nagsimula na sa pag-iikot ang Bantay Presyo Team ng Department of Agriculture Region 2 upang i-monitor ang pagsunod ng mga retailer ng bigas sa ipinatupad na price cap.
Ang Bantay Presyo Team ay binubuo ng DA, DTI, NFA, DILG, PNP at Local Government Units.
Inihayag ni DA Regional Executive Director Rosemarie Aquino na sa pag-iikot ng kanilang team ay inaasahang matukoy kung sumunod ang mga nagbebenta ng bigas sa price ceiling.
Dagdag pa ng opisyal, ang mga hindi susunod sa price cap ay bibigyan muna nila ng warning.
Magiging regular aniya ang kanilang monitoring upang matiyak na sumusunod ang mga retailers at nagbebenta ng bigas sa price cap alinsunod sa Executive order No. 39 na pirmado ng Pangulo.