Pinaalalahanan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang mga Kapitan sa bawat Barangay na gamitin ng tama ang mga naipagkaloob na BRO Truck.
Ayon sa pabatid ng PGI, ang nasabing mga truck na ipinagkaloob sa bawat barangay sa lalawigan ay nakalaan upang magamit rin ng mga magsasaka sa pagbiyahe ng kanilang mga produkto tulad ng palay at mais patungo sa mga buying stations.
Bukod dito, ang hindi umano pagsunod sa nasabing kasunduan ay posibleng maging dahilan upang mabawi sa kanila ang mga ipinagkatiwalang sasakyan.
Hinikayat naman ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na agarang isangguni sa kanilang pamunuan sa pamamagitan ng pagtawag o pagtext sa kanilang hotline na 0927-5585-888.